It's been a while since i posted here.
I have been here in Aloha State for 7 mos 16 days.
For 7 mos and 14 days, the inbox on my FB account was bombarded with messages.
Nakakatuwa sana pampaalis ng homesick, but as i was reading the messages, nakakabwisit na.
Bakit ba ganun ang mentality ng Pinoy, pag nasa labas ng Pilipinas, kala nila ang dinadahak eh kwarta?
Mukha ba talagang PERA ang mga Pilipino?
O sadyang salat sa PERA ang mga Pilipino kaya ganun sila mag-isip?
Eniweys, hayweys, i said my piece on my FB account already.
inperness, nanahimik sila... silang hindi ko alam kung bakit bigla bigla naging mga kamag-anak ko, ipinagdadasal ako, wishing me well, nagagandahan sa kin, nababaitan sa kin, naiingit sa kin (pwede di ba?) at kung ano ano pa.
Pero lahat sila... lahat sila may hidden agenda pala.
May nagpapahanap ng trabaho
may nagpapahanap ng jowa
may nagpapahanap ng kapatid ng jowa ko
o kaibigan na single ng jowa ko
nanghihingi ng US visa
nagpupumilit na kunin ko daw kahit yaya ng anak ko (eh putangina wala pa naman akong anak)
o kaya daw gardenero (eh wala naman akong garden, putangina ulit)
nagpapabili ng ganito, ng ganun.
at.... NANGHIHINGI NG PERA.
yung iba nahihiya pa kunyari na mangungutang.
yung iba makapal talaga.
yung iba nanghihingi ng blow out (bakeeet? may award ba ako?)
yung iba nanghihingi ng balato (eh di naman ako tumaya sa lotto o sa supistek)
"kahit 100dollars pwede na"
"nag-iba ka na, nakarating ka lang ng Hawaii yumabang ka na. Di pa nga Americang tunay yan!" (so may japeyk palang America)
"wag madamot baka magtampo ang grasya" (THE NERDDDDDS)
"hindi naman hingi, babayaran ko naman"
"imposible naman...kahit sa nanay mo di mo papadalhan?" (eh ang nanay ko nga di nagtataka na wala akong pinapadalang pera)
Sige nga... kung kayo ako, di kayo mag aalburuto?
Peo sabi ko nga.. di ako galit.
NA NYO!
PIRYUD!
No comments:
Post a Comment